Tuesday, 3 September 2019

Halika at Bigkasin ang Ating Wika

     Ang  buwan ng wika ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng agosto taon-taon. Napakahalaga ng okasyon na itosa mga Pilipino at lalo ng sa mga mag-aaral dahil sa pamamagitan nito at nabibigyan diin ang pagtuturo, pagpapahalaga, at paggamit sa ating mga wika at sa ating pambansang wika; ang Filipino.
     Iloco, Tagalog, Pangasinense, Waray, Cebuano, Bikolano, at kapangpangan ay ilan lamang sa 130 na wika na nakapaloob at ginagamit sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga wikang ito, tayo ay nagkakaisa upang maintindihan ang ating mga pinaguusapan at nagkakaroon ng solusyon sa mga hindi pagkakaintindihan ng bawat isa.
     Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino,  ang tema ng okasyon sa taong ito na nangangahulugang ang ating sariling wika ay ating ginagamit sa pagsasalita upang tayo ay nagkakaintindihan at mabawasan ang hindi pagkakaunawaan kung kaya,t kailangan natin itong pagyamanin, tangkilikin, alagaan , at gamitin.
Image result for buwan ng wika 2019

source: https://images.app.goo.gl/XSXezJbbWXganvfa8

No comments:

Post a Comment

Pledge Of Loyalty

This last grading, I literally showed my emotions to my teachers specially in TLE. I already did my best and satisfied myself. Learning less...